11.27.2008

left to the house

for sunshine, who labels herself taong-bahay.

which doesn't do justice to who she really is.

Ang Kapatid na Babae ng Ilustrado
ni Joi Barrios

(para kay Josefa Rizal)

Siya'y taong-bahay.
Ang kanyang kapatid na lalaki,
ang ilustrado,
ay naglakbay patungong Espanya,
patungong Europa,
palibot sa mundo.

Siya'y taong-bahay.
Ang kanyang kapatid na lalaki,
ang ilustrado,
ay nagdaos ng mga lihim na pulong,
nagsulat ng mga sanaysay,
nagtatag ng La Liga Filipina.

Siya'y taong-bahay.
Walang babaeng naglakbay
para mag-aral ng medisina o batas.

Siya'y taong-bahay.
Marahil, nagbuburda ng mga bulaklak sa sala,
gamit ang sariling buhok bilang sinulid.
Marahil, nagluluto ng masarap na putahe sa kusina,
nagpapakulo ng tuwalya ng baka at dugo ng baboy.

Siya'y taong-bahay.
Ngunit marahil, nang inanyayahan nila siyang
lumahok sa himagsikan
hiniwa niya ang kanyang balat
at sinulat ang kanyang pangalan
nang pulang-pula.

from: Minatamis at Iba Pang Tula ng Pag-ibig. Anvil Publishing, 1998.

No comments: